Lima ang sugatan kabilang na ang apat na menor de edad nang masunog ang isang residential area sa bahagi ng C-5 road sa lungsod ng Taguig kagabi.
Tinatayang nasa isandaan at limampung (150) pamilya naman ang nawalan ng tahanan matapos ang sunog na sumiklab mag-aalas-6:00 kagabi na umabot sa ika-limang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-7:30.
Kasalukuyan nang nagpapagaling sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga sugatan sa nangyaring sunog bagama’t masuwerte namang walang nasawi rito.
Patuloy naman ang ginagawang mopping up operations sa lugar habang iniimbestigahan pa ng mga pamatay sunog ang sanhi nito gayundin ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.
—-