Bihag umano ng New People’s Army ang limang sundalo na itinuturing nilang prisoners of war.
Sinabi ng tagapagsalita ng NPA National Operations Command na si Jorge “ka oris” Madlos, marami ring namatay at nasugatang sundalo sa halos 20 operasyon sa nakalipas na limang araw.
Ayon kay Madlos, naging matagumpay ang kanilang opensiba sa Davao Oriental, Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, Bukidnon, Sultan Kudarat, Isabela, Panay, at Batangas.
Tugon, aniya, ang kanilang opensiba sa panawagan ng taumbayan na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan laban sa armadong pag-okupa ng militar.
By: Avee Devierte