Nakatanggap ng medalya at cash assistance ang limang sundalong nasugatan kasunod ng labanan ng militar at Dawlah Islamiya sa Maguing sa Lanao Del Sur.
Pinangunahan ni Lieutenent General Alfredo Rosario Jr. Ng Western Mindanao Command ang paggawad nito para kina;
- Private First Class Jayson Dayhop
- Private First Class Romeo Aclan Jr.
- Private Jayson Jay Pielago
- Private Mike Rellon
- at Private Ariel Bahala
Kabilang ang limang ito sa 55th Infantry Batallion ng Philippine Army.
Matatandaang sa sagupaan, nasawi ang nasa pitong miyembro ng Dalwah Islamiya. —sa panulat ni Abby Malanday