Nadakip ng mga awtoridad ang limang hinihinalang gunrunners sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Antonio, Parañaque City.
Kinilala ang mga suspek na sina Joel Malangin, Charis Calingacion, Pricioso Malangin, Ricardo Casiquin, at Rommel Dichoso.
Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG, maliban tatlong libong pisong marked money, nasabat din mula sa mga ito ang isang .38-caliber revolver, dalawang bala, at limang sachets ng hinihinalang shabu.
Sasampahan ng mga kaukulang reklamo ang mga suspek.