Arestado ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang limang suspek matapos salakayin ang isang drug den sa Subic, Zambales na sakop ng Angeles City Pampanga.
Naaresto ang mga drug suspect na sina Larlyn Puno, 35-anyos, may-ari ng naturang drug den; Nabel Mustapha, 18-anyos; Asniyah Mustapha, 41-anyos; Camal Macabatao, 46-anyos; at Isias Inoc, 30-anyos.
Nakuha sa operasyon ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374,000 kasama ng iba’t ibang klase ng drug paraphernalia, at buy bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang limang suspek.—sa
Arestado ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang limang suspek matapos salakayin ang isang drug den sa Subic, Zambales na sakop ng Angeles City Pampanga.
Naaresto ang mga drug suspect na sina Larlyn Puno, 35-anyos, may-ari ng naturang drug den; Nabel Mustapha, 18-anyos; Asniyah Mustapha, 41-anyos; Camal Macabatao, 46-anyos; at Isias Inoc, 30-anyos.
Nakuha sa operasyon ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374,000 kasama ng iba’t ibang klase ng drug paraphernalia, at buy bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang limang suspek.— sa panulat ni Angelica Doctolero