Sumuko na sa mga otoridad ang 5 sa 11 suspek, kabilang ang isang menor-de-edad na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Pharmaceutical Executive na si Eduardo Tolosa Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson, col. Jean fajardo, boluntaryong sumuko ang mga suspek at inihayag ang partisipasyon sa krimen.
Ikwinento pa ng 5 na sila ang inutusang maghukay at maglinis sa crime scene kung saan nakita ang puting van na naglalaman ng katawan ni Tolosa at batong ipinukpok dito.
Noong July 19 huling nakatanggap ng tawag ang isang opisyal mula sa Pharmaceutical Company kung saan inutusan nitong i-deliver ang malaking halaga ng salapi at kagamitan ni Tolosa sa pamamagitan ng driver nito.
Pero nang natanggap na ang pera at mga kagamitan, hindi na na-contact si Tolosa at kalauna’y nakitang wala ng buhay sa loob ng SUV sa Pampanga.
Sa ngayon, kasong murder, kidnapping for Ransom at Arson ang kakaharapin ng mga suspek.