Arestado ang lima katao kaugnay sa pagpaslang kay dating Batangas Congressman Edgar Mendoza at mga kasamahan nito.
Ayon kay Police Brigadier General Joel Coronel, hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), sumasailalim na sa imbestigasyon ang limang naaresto nila habang tuluy-tuloy ang kanilang imbestigasyon sa nasabing kaso.
Tiniyak ni Coronel ang pakikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) paras makapagsampa ng malakas na kaso laban sa mga nsabing suspek.
Tumanggi si Coronel na magbigay ng iba pang detalye sa naturang kaso.