Dalawang pulis at tatlong raliyista ang nasawi sa kanilang sagupaan sa Baghdad, Iraq.
Naganap ang marahas na demonstrasyon sa Tahrir Square sa bahagi ng Green o International Zone ng Baghdad.
Ipinapanawagan sa gobyerno ng mga demonstrador sa pangunguna ng Islamic Cleric na si Muqtada Al-Sadr ang pagsasaayos sa komisyong mangangasiwa sa gaganaping local elections ngayong taon.
Samantala, dalawang rocket ang bumagsak sa Green Zone sa kasagsagan ng kilos protesta pero wala namang nasaktan.
By: Drew Nacino