Pinayagan na ng IATF ang mga batang nasa 5 taong gulang pataas na makalabas ng bahay para sa mga lugar nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Ito’y base sa inilabas ng Malakanyang ang rekomendasyon na inaprubahan ng IATF kahapon, July 8, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, maaari nang lumabas ang mga 5 taong gulang pataas na nasa ilalim ng MGCQ at GCQ maliban sa mga lugar na nasa heightened restrictions.
Maaari nang mapuntahan ng mga batang nasa edad na 5 pataas ay ang mga parks, playgrounds, beaches, biking and hiking trails, outdoor tourist sites and attractions.
Maging ang outdoor non-contact sports courts and venues, at mga al-fresco o open dining establishments ay pinapayagan narin ng IATF.
Samantala mananatili namang ipinagbabawal ang mga batang nasa edad 5 pataas ang mga mixed-use na indoor/outdoor buildings and facilities gaya ng malls at mga kahalintulad na establisyemento.
Mahigpit namang pinaalalahanan ng IATF ang mga magulang na masusing bantayan ang mga anak at tiyakin din na nasusunod ang mga public health standards sa tuwing lalabas ng bahay.
Maari namang taasan ng LGU’s ang age restrictions sa mga bata depende sa COVID-19 situation sa kanilang mga nasasakupan.