Isinusulong ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang panukalang batas para payagang maging ground ng annulment ang paghihiwalay ng mag – asawa ng limang (5) taon.
Ayon kay Barbers, layon nitong gawing simple, mapabilis at hindi mahal ang proseso ng annulment ng kasal.
Kailangan aniya ay mapatunayan lamang sa pamamagitan ng affidavit ng kanilang mga kakilala at kaanak na hindi na nagsasama at talagang may kanya – kanya nang buhay ang mag – asawan sa nakalipas na limang taon.
Aniya, reyalidad lamang na hindi lahat ng mag – asawa ay may ‘forever’ kaya’t marapat lamang na hindi na pahirapan ang mga ito at maging ang kanilang mga anak.
Matatandaang pormal nang inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang bill na magiging daan sa legalisasyon ng pagpapawalang bisa ng kasal o dissolution of marriage na mas kilala din sa tawag na diborsyo.
Kasalukuyang nakabinbin ang House Bill 6027 sa Committee on the Revision of Laws.