Pinasibak na sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman ang 5 opisyal ng Technology Resource Center (TRC) dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa PDAF scam.
Batay sa dismissal order na ipinalabas ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, sibak na sa serbisyo sina TRC Director General Dennis Cunanan, Chief Accountant Marivic Jover, Budget Officer-4 Consuelo Espiritu, Sales and Promotion Officer-5 Belina Concepcion at Internal Auditor-5 Maureen Dimaranan.
Sinasabing sangkot ang naturang mga opisyal ng TRC sa 101 milyong pisong PDAF scam mula sa pork barrel nina Malabon Representative Alvin Sandoval, Isabela Representative Anthony Miranda at dating Cagayan de Oro Representative Constatino Jaraula.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)