Mabigat na pasanin ang bumungad ngayong bagong taon sa Overseas Filipino Workers o OFW’s sa Saudi Arabia.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng Saudi Arabia nitong Enero 1 ng 5% value added tax o VAT sa lahat ng kanilang basic goods and services bilang bahagi ng repormang pang-ekonomiya ng bansa.
Maliban sa doble-presyong pagtaas sa gasolina sa pagpasok ng 2018, sumipa din maging ang bayad sa kuryente, service charge sa remittance fee, at iba pang batayang serbisyo.
Tinatayang mahigit walongpung libong (80,000) kumpanya sa Saudi ang nagparehistro sa pagpapatupad ng VAT.
Ito, alinsunod sa kasunduan ng mga bansang miyembro ng Gulf Cooperation Council Countries, kasama na ang United Arab Emirates o UAE.