Nakatakdang ilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang Comprehensive National Fisheries Industry Development Plan sa susunod na buwan.
Layon nitong tulungan ang mga mahihirap na mangingisda at nasa sektor ng pangisdaan para sa kanilang kaunlaran.
Ayon kay BFAR National Director Atty. Asis Perez, limang taon tatagal ang nasabing programa o hanggang taong 2020.
Produkto aniya ito ng mga isinagawang workshops na dinaluhan ng mga nasa industriya at ng mga ginawang pagtalakay sa usapin ng pangingisda, aquaculture, post harvest at marketing sub-sectors.
By Jaymark Dagala | Monchet Laranio