Isinusulong ni Agri Party-List Rep. Wilbert Lee ang pagbuo ng ‘task force’ na babalangkas ng 5-year roadmap para sa development, modernization at pangangalaga o pagbibigay proteksyon sa salt industry ng bansa.
Sa ilalim ng House Bill 5676 o Philippine Salt Industry Development, iginiit ni Lee na kailangang suportahan at pangalagaan ng gobyerno ang local salt stakeholders at bawasan ang pag-angkat ng asin.
Magiging tungkulin din ng task force ang pagbalangkas ng batas para sa pagpapabuti, pagpapalawak at pagpapanatili sa industriya.
Bahagi ng 5-year road map ang pagkilala sa produktong asin bilang aquatic resource at isama ito sa mga ipinatutupad na panuntunan para sa pangangalaga at pagpapaunlad ng mga yamang dagat. – sa panulat ni Hannah Oledan