Aabot sa 50 bahay ang natupok ng sumiklab na sunog sa dulong tangke sa malinta sa Valenzuela City kahapon.
Ayon kay Valenzuela Fire Director Superintendent Bernard Batnag Jr., umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay ay madaling kumalat ang apoy.
Nahirapan din sa pagpasok ang mga nagrespondeng firetrucks lalo’t nasa dulong bahagi ng barangay ang sunog.
Isa rin sa tinitignang problema ang mahinang pressure ng tubig mula sa Maynilad.
Wala namang naitalang casualty sa sunog pero may dalawang sugatan na nadala na sa ospital at nasa maayos nang kalagayan. —- sa panulat ni Abby Malanday