Sinampahan ng kaso ang 50 mga opisyal ng barangay dahil sa umano’y iregularidad sa pamamahagi ng first tranche ng social amelioration program (SAP) na ayuda ng pamahalaan ngayong may pandemya dulot ng COVID-19.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, isinumite na sa Office of the Ombudsman ang pagkakakilanlan ng mga opisyal na dawit sa umano’y maanomalyang pamamahagi ng naturang ayuda para mapatawan ng preventive suspension.
Dagdag pa nito, marami pa ang mga susunod na makakasuhan kaugnay pa rin sa anomalya ng SAP distribution.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Undersecretary Malaya, na makatatanggap pa rin ng ayuda ang mga benepisyaryong naapektuhan ng anomalya.