Posibleng payagan na ng pamahalaan na itaas sa kalahati ang kapasidad ng operasyon ng dine-in services ng mga restaurant.
Ito’y matapos ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na compliant o nakasusunod ang karamihan ang mga ito sa minimum standards para makaiwas sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil ditto, sinabi ng DTI na plano nilang imungkahi na itaas na sa kalahati ang kapasidad ng dine in ng mga kainan sa lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ).
Magugunitang hanggang 30% lamang ng kapasidad ng dine in ang pinahintulutan ng pamahalaan dahil sa banta ng COVID-19.