Inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa IATF na itaas sa 50% ang capacity sa mga dine-in at personal care services para sa mga bakunado sa huling bahagi ng taon.
Ito, ayon kay Concepcion, ay dahil hindi sapat ang kikitain ng mga establisyimento na kung mananatili lamang sa 10% ang operating capacity.
Dapat lamang anyang tiyakin na maglagay pa ng mas maayos na bentilasyon ang mga business establishment tulad ng mga restaurant upang mas maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Sa ilalim ng kasalukuyang quarantine restriction, 10% lamang ang pinapayagan na kapasidad para sa dine-in ng mga bakunado at 30% maximum capacity sa outdoor o al fresco dining para sa bakunado o hindi bakunado.—sa panulat ni Drew Nacino