Higit nating kailangan ngayon ang pagkuha ng pinakaepektibong bakuna para sa mga Pilipino laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang binigyang diin ni Senador Juan Miguel Zubiri, makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na nga sa bansa ang UK variant ng naturang virus.
Aniya, hindi sapat ang 50% lang na efficacy rate o bisa ng mga bakuna laban dito.
Dapat din, ani Zubiri, na piliin natin ang mga bakuna na nakapagtapos na ng Phase 3 ng clinical trials gaya ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Gamaleya, at Novavax dahil mas mabisa aniya ang mga ito.
Magugunitang isang Pinoy na residente ng Quezon City, at umuwi sa bansa galing United Arab Emirates nitong ika-7 ng Enero, ang nagpositibo ng UK variant ng COVID-19.