Katanggap-tanggap na para sa Department Of Science and Technology (DOST) ang 50% na pagiging epektibo ng bakuna kontra COVID-19 mula sa China.
Ayon kay Jaime Montoya, Executive Director ng DOST-Philippines Council for Health Research and Development 50% ang itinakdang minimum requirement ng World Health Organization para ang isang bakuna ay magamit ng isang bansa.
Dagdag pa ni Montoya, dapat din alalahanin aniya na posible pang magbago ang epekto ng isang bakuna kapag dumami na ang naturukan nito.
Maaari kasi aniyang mas maging epektibo ito sa grupo ng health care workers, mga bata o di kaya naman ay sa grupo ng mga matatanda.
Magugunitang inihayag ng gobyerno na isa ang Sinovac sa posibleng maunang bakunang makuha ng bansa sa susunod na taon.