Isinugod sa ospital ang halos 50 estudyante ng Maao Elementary School sa Bago City sa Negros Occidental matapos sumama ang kanilang pakiramdam.
Ayon sa report, nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo na sintomas ng food poisoning kaya’t dinala kaagad sila sa clinic ng barangay samantalang ang ilang pasyente ay inilipat sa Bago City Hospital.
Sinabi ng local disaster risk reduction management office ng Bogo City, posibleng sumama ang pakiramdam ng mga estudyante dahil sa handang spaghetti sa christmas party.
Iimbestigahan ng city health office ang nasabing insidente.