Nagbukas ng 50 evacuation camp ang Marikina City LGUs para sa mga residenteng lumikas na nakatira sa mabababang lugar.
Ayon sa Marikina City Government, patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa Marikina River bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding.
Dahil dito, nanawagan na ng tulong ang mga pribadong sektor ng pamahalaang lungsod dahil patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga lumilikas na residenteng pinaka-apektado ng bagyo.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng otoridad ang lebel ng tubig sa ilog Marikina habang ipinag utos narin ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang pagbubukas ng karagdagang evacuation centers upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.