50 mamamahayag at media workers ang napaslang dahil sa kanilang trabaho ngayong 2020.
Ito’y batay sa datos ng Reporters Without Borders (RSF) sa Paris kung saan ipinakikita ang pagtaas ng bilang ng mga pinupuntiryang reporter at iba pang media workers na nag-iimbestiga ng mga krimen, kurapsyon, environmental isyu o watchdog.
Lumalabas na 84% ng mga nasawi na mamamahayag ay sinadyang patayin dahil sa kanilang trabaho higit na mataas ito kumpara sa 63% noong 2019.
Samantala, nanguna sa mga bansang maraming nasawing mamamahayag ay mula sa Mexico, India at Pakistan.
Sa nasabing bilang ng mga mamamahayag na nasawi, tatlo rito ang nagmula sa Pilipinas.