Mahigit 100 pamilya na ang apektado sa nangyaring sunog sa Sitio Lapyahan, Barangay Labogon sa Mandaue City, Cebu.
Tinatayang aabot sa 50 bahay ang na-abo dahil sa napabayaan umanong ceiling fan na nag-overheat.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Cipriano Codilla Jr, Mandaue City Fire Investigator, nagsimula ang apoy nitong Biyernes sa ikalawang palapag ng pinagmulan ng sunog na sinasabing pagmamay-ari ng isang Melencio Ladraga.
Agad din namang naapula ang apoy isang oras makaraang magsimula ang sunog na umabot pa sa task force alpha.
Kasalukuyang nasa barangay at multi-purpose hall ng Barangay Labogon ang mga naapektuhang pamilya habang tulung-tulong ang lokal na pamahalaan at mga Non-Government Organization upang magpahatid ng tulong sa mga nasunugan.
By: Jaymark Dagala