Nakabalik na sa Palawan ang halos 50 kabataang nag-rally ng isang linggo sa Pagasa Island kontra China.
December 26 nang dumating sa Pagasa Island ang grupo na nag-protesta sa claim ng China sa mga isla sa South China Sea.
Ang pagtatapos ng biyahe ng grupo ng mga kabataang militante ay sa gitna na rin ng sigalot ng China at Vietnam na inakusahan ang China nang paglapag ng eroplano sa pinag-aagawang reef.
Iginigiit naman ng China na sakop nila ang teritoryo kung saan nangyari ang operasyon.
By Judith Larino