Tinatayang aabot sa 50 ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawa nilang Oplan Galugad sa lungsod ng Maynila.
Pawang paglabag sa mga ordinansa ng lungsod ang kasong kinakaharap ng mga naaresto tulad ng pag-iinuman at pagsusugal sa mga lansangan ng lungsod.
Partikular na isinagawa ng MPD o Manila Police District ang kanilang operasyon sa distrito ng Sta. Ana kung saan, halos mapuno ng mga naaresto ang istasyon nito.
Nanatili sa himpilan ng pulisya ang mga pasaway o maka-ilang beses nang napatunayang lumalabag sa mga ordinansa habang agad namang pinalaya iyong mga tinaguriang first timer.