Nasawi ang 50 katao matapos manalasa ang matinding pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa Jigawa State, Nigeria.
Ayon kay Executive Secretary of the State Emergency Management Agency Sani Yusuf, sa kanilang paglilibot ay umabot na sa 237 na mga bahay ang nawasak sa bayan lamang ng Balangu.
Nabatid na nagtayo ng 11 camp site upang pansamantalang matirahan ng mga residenteng inilikas.
Samantala, una nang nakaranas ng matinding pagbaha ang Nigeria nitong umpisa ng Agosto na kumitil naman sa buhay ng pitong katao.