Mahigit 50 lugar na sa Quezon City ang nasa ilalim ng special concern lockdown dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Kabilang dito ang park ng pook palaris sa barangay UP campus na nakapagtala ng walong kaso ng COVID-19 kung saan kaagad dinala sa quaratine facility ang mga pasyente.
Naabisuhan naman ang mga residente bago isinailalim sa lockdown ang kani-kanilang mga lugar.
Tatagal ng dalawang linggo ang lockdown kung saan sasailalim sa swab test ang mga apektadong residente at bibigyan ng QC government ng food packs at essential kits.