Nakumpiska ng mga awtoridad ang 50 milyong pisong halaga ng iba’t-ibang smuggled goods sa Meycauayan, Bulacan.
Kabilang sa mga nasamsam ang 2,000 sako ng imported red onions, frozen seafood, cosmetic products at iba’t ibang gamot, vitamins, at food supplements na walang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon sa Bureau of Customs, kakasuhan ang may-ari ng nasabing kargamento kung walang maipapakitang dokumento sa loob ng 15 araw.—sa panulat ni Hya Ludivico