Magiging paunang benepisyaryo ng pilot implementation na food stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na ilulunsad sa Hulyo 18, ang nasa 50 na mahihirap na pamilya mula sa Tondo, Maynila.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, layunin ng nasabing programa na makatanggap ang bawat pamilya ng tap card na naglalaman ng P3,000 halaga ng food credits kada buwan.
Target din ng nasabing programa na unti-unting palalawakin ang programang “Walang Gutom 2027.”
Pagkatapos ng anim na buwan, ang pilot implementation ay susuriin at palalawakin sa 300,000 na pamilya, at panibagong 300,000 sa susunod na taon hanggang sa umabot ito sa isang milyong benepisyaryo na pamilya na magmumula sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo na sa mga lugar na mahirap abutin.