Nasa P50 milyong pilipino ang hindi pa rin natuturukan ng unang booster ng covid-19 vaccine.
Dahil dito, hinimok ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire ang mga eligible individual na magpa-booster na bilang dagdag proteksyon laban sa covid-19.
Ayon kay Vergeire, 26% lamang ng lahat ng eligible population ang bakunado ng unang booster shot.
Hindi anya malayong magkaroon ng malalang karamdaman dahil sa covid-19 ang mga wala pang unang booster na ayaw mangyari ng gobyerno.
Batay sa datos ng DOH, nasa 73.8 million na ang fully vaccinated pero 21.1 million individuals lamang ang may booster hanggang nitong Disyembre a – 6.