Umabot sa 50% na mga Pilipinong senior citizen ang nagtatrabaho dahil sa kahirapan.
Ayon Commission on Population (PopCom) executive director Juan Antonio Perez, nasa 5,985 mga senior citizen ang natanong ng UPPI sa 57% ang nagsabing nakararanas ng kahirapan para matugunan ang mga gastusin sa bahay habang 14% naman ang nagsabing nakararanas ng gutom sa nakalipas ng tatlong buwan.
Naglabas ng datos ang University of the Philippines Population Institute (UPPI), nasa 9.2 milyong Pilipino ang nasa 60-anyos at pataas o 46% ang kasalukuyang naghahanap buhay pa din para kumita ng pera.
Samantala, mayroong 30% ang nagsabing hindi malusog at 86% ang hindi nakakapagpasuri sa doktor dahil walang pera.
Nananatiling mataas naman ang economic dependence ng mga senior citizen. —sa panulat ni Jenn Patrolla