Papalo sa 50 pangalan ng mga celebrities ang nasa panibagong drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ito ang ibinunyag ng bagong talagang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na si Martin Diño
Bagama’t tumanggi si Diño na pangalanan ang mga naturang celebrities, ilan aniya sa mga ito ay sumailalim na sa drug test
Magugunitang kinumpirma ng National Capital Region Police Office o NCRPO na may hawak na silang listahan ng mga celebrity na sangkot sa operasyon ng iligal na droga
Gayunman, wala pa ring pahayag ang Malakaniyang upang kumpirmahin o itanggi ang ginawang pagbubunyag ni Diño
By: Jaymark Dagala