Nasa 50 mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang kasalukuyang iniimbestigahan ng DILG matapos na mapabilang sa Narco List ni Pangulong Duterte noong nakaraan buwan.
Ayon kay DILG Usecretary John Castriciones, ang pinuno ng task force Agila na siyang nangunguna sa imbestigasyon pinakamataas sa mga opisyal na kasama sa kanilang iniimbestigahan ay Gobernador habang ang karamihan naman ay mga alkalde at kapartido ng nakalipas na administrasyon.
Posible anyang ilan sa mga ito ay may direktang ugnayan sa mga drug lords, habang ang ibang opisyal naman ay nabigong umaksyon sa problema ng iligal na droga sa kanilang lugar
Ibinunyag din ni Castriciones na hamon sa kanila ngayon ang pagkakadiskubre nila na protekado ng mga armadong grupo tulad ng BIFF ang ilan sa lokal na opisyal na kanilang iniimbestigahan.
Sa 50 local govt officials, 10 na ang nakikipag tulungan sa ginagawang imbestigasyon at nagbigay ng waiver para bigyan ng kapangyarihan ang task force na busisiin ang records at mga transactions ng mga ito upang makita kung sangkot nga ang mga ito sa droga.
Bagamat wala naman umanong ibinibigay na deadline sa kanila, nais, aniya, nilang tapusin agad ang imbestigasyonsa sa Oktubre.
Dahil dito nanawagan si Castriciones sa iba pang lokal na opisyal na nasa narcolist ni Pangulong Duterte na makipag ugnayan na sa kanila.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal