Sasailalim sa budget review ngayong linggo ang nasa 50% ng mga ahensya ng pamahalaan na tinapyasan ng pondo sa ilalim ng 2025 national budget.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, itutuloy nila ang pagrerepaso sa pondo ng iba pang mga ahensya ngayong linggo.
Nasa 30 bilyong piso aniya ang kailangang mapunan sa mga kagawaran na nagkaroon ng budget cut.
Gayunman, hindi pa aniya tapos ang ginagawang pagre-review sa pondo.
Matatandaang ilan sa mga government agency na sumailalim na sa budget review ang Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment, Department of Tourism, Department of Education, at Department of Public Works and Highways. - Mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)