Aabot sa 50% ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa Western Visayas ang gumaling na mula sa nakahahawang sakit.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Western Visayas, mula sa 797 na kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon, 472 na ang bilang ng pasyente na nakarekober.
Nasa 311 na ang nananatiling active cases at kasalukuyang patuloy ang gamutan, habang 15 naman ang naitalang nasawi.