Kung ngayon ang eleksyon, kalahati ng mga botante ng Metro Manila ang boboto kay Senador Grace Poe bilang Vice President.
Sa ikatlong linggo ng Boses ni Juan 2016, mahigit sa 49 percent ng mga respondents ang bumoto kay Poe bilang Vice President.
Malayong second place sa kanya sina Senador Francis Escudero at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na na nakakuha lamang ng tig-mahigit 9 na porsyentong boto.
Maging sa Presidential race ay nangunguna si Poe subalit kung titignan ang puwesto nito sa senatorial race, nasa ika labing anim hanggang ika-17 puwesto lamang ito.
Matatandaan na si Poe ang nanguna sa senatorial elections noong 2013.
Samantala, gitgitan naman ang labanan nina Vice President Jejomar Binay at Senador Grace Poe sa pagka-Presidente kung ngayon gaganapin ang eleksyon.
Batay ito sa resulta ng Boses ni Juan 2016 Presidential Survey ng DWIZ.
Nasa ikatlong linggo na ngayon ang Boses ni Juan at batay sa resulta, 33 percent ng mga boto ang nakuha ni Poe mula sa Mega Manila samantalang 31 percent ang kay Binay.
Ang mga boto para sa ikatlong linggo ng Boses ni Juan 2016 ay nakalap sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal kasama rin ang Mindoro at Palawan.
Kapuna-puna na kapwa bumaba ang ranking nina Poe at Binay sa ikalawang linggo ng Boses ni Juan Survey at malayong nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte makaraang pumasok ang mga boto mula sa Visayas at Mindanao.
By Len Aguirre