Mahigit sa kalahating porsyento ng mga kabataan sa Pilipinas ang kayang tukuyin kung ‘fake news’ ang nababasang mga impormasyon.
Ito’y ayon sa pag-aaral ng kauna-unahang University-Based research unit na boses, opinyon, siyasat at siyensya para sa Pilipinas (boses Pilipinas) na pinamumunuan ng Ateneo School of Government (ASOG).
Sa unang bahagi ng Pinoy voter’s vibe online survey nitong Mayo 17 hanggang Hunyo 24, binigyan ng gawain ang halos walong libong mag-aaral (7,744) sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad na tukuyin ang impormasyon kung ito ay fake news.
52.2% ng mga kabataan ay nakakuha ng anim na tamang sagot sa kabuuang walong item habang 63% ang nagsabing tiwala sila sa pagtukoy ng fake news.
Sa ikalawang bahagi naman ay umabot sa halos dalawamput limang libo (24,625) ang lumahok kung saan ay susuriin ang tiwala ng mga ito sa facebook bilang pagmumulan ng impormasyon.
Lumabas sa pag-aaral na kayang matukoy ng mga kalahok ang fake news base sa kaalaman nito sa nabanggit na social media.—sa panulat ni Airiam Sancho