Hindi lahat ng mga nato-tokhang ay talagang drug addicts o pushers.
Ayon ito sa halos limampung porsyento (50%) ng mga Pilipino sa resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS.
Ipinabatid ng SWS na 49% ng mga may personal na kaalaman sa mga nato-tokhang ang nagsabing wala o hindi lahat ng mga isinasailalim sa Oplan Tokhang ay drug addicts o pushers;
36% ang nagsabing lahat ng mga ito ay sangkot sa droga at 14% naman ang nagsabing wala silang alam dito.
Lumalabas sa survey na pinakamataas sa Metro Manila ang mga naniniwalang hindi lahat ng mga nato-tokhang ay talagang dawit sa illegal drug activities.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,500 respondents.