Fully vaccinated na ang aabot sa 50% ng eligible population sa Metro Manila.
Ipinabatid ito ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, Chairman ng Metro Manila Council (MMC)
Sinabi ni Olivarez na naturukan na ng first dose ng COVID -19 vaccine ang 70% ng tinatayang 10 milyong adult population.
Ayon kay Olivarez, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna nila gamit ang 4 milyong COVID-19 vaccine doses mula sa national government.
Mula Agosto 6 hanggang Agosto 19 o sa kasagsagan nang pinaiiral na ECQ sa Metro Manila, inihayag ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na nasa 3.2 milyong doses na ang naiturok sa NCR.