Kinumpirma ng Malakaniyang ang paggamit sa 50% o kalahati ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) bilang pansamantalang quarantine facility.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagkasundo ang DOH at Department of Education (DepEd) na gamitin muna ang ilang public schools na isolation centers.
Ayon kay Roque nananatili ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na sa January 2021 pa ang pagbabalik ng face to face classes o kung mayroon nang bakuna kontra COVID-19.