Handa ang ilang kumpanya ng mga gamot sa bansa na magpatupad ng hanggang 50% bawas presyo sa kanilang mga produktong gamot.
Ayon sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), 18 na multinational pharmateutical company sa bansa ang nagsabi na magbigay ng halos kalahating discount para sa mga gamot laban sa ilang malala at nakakahawang sakit.
Sinabi pa ng PHAP, bukod sa 50% off ay maaari ring maging libre nalang ang gamot para sa ilang treatment cycles.
Ang programa ay tulong sa mga pasyenteng hirap sa pagbili ng mga gamot para sa kanilang iniindang malalang sakit tulad ng kanser.
Sa ngayon, pinaplantsa pa ng PHAP, katuwang ang Department of Health (DOH), para tuluyang maipatupad ang nasabing programa.