Kasado na sa Lunes, November 8, ang 50% operational capacity sa lahat ng opisina at units ng hukuman sa National Capital Region, makaraang isailalim ang Metro Manila sa Alert level 2.
Sa Memorandum Order ng Supreme Court (SC), pipiliin muna ng mga chief of offices o services ang mga pisikal na mag-rereport sa kani-kanilang mga tanggapan.
Kailangan ding walang sintomas ang tauhan at kailangan ang antigen testing sa unang beses na babalik sa opisina matapos ang mahigit labinlimang sunud-sunod na araw.
Ang opisyal na oras ng trabaho ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.
Samantala, ang iba namang empleyado ay mananatiling naka-work from home.
Ipinag-utos din ng SC sa lahat ng appellate collegiate courts sa NCR na magtalaga ng 50% onsite operation simula sa Lunes. —sa panulat ni Drew Nacino