Pumalo na sa 8,854 ang mga Pilipino na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 50 bagong kaso sa hanay ng mga Pinoy abroad.
Umakyat naman sa 611 ang bilang ng mga nasawi sa sakit sa labas ng bansa kasunod ng pagpanaw ng 17 pang pasyente.
12 July 2020
Weekend reports from PH Embassies and Consulates confirm 50 new COVID-19 cases among Filipinos, 8 new recoveries, and 17 new fatalities in the Middle East. This brings the total number of fatalities among our nationals abroad to 611. (1/3) pic.twitter.com/tNd2Bv33ca
— DFA Philippines (@DFAPHL) July 12, 2020
Samantala, mahigit 5,274 ang mga nakarekober na Pinoy mula sa COVID-19 sa ibang bansa.