Nasa 50 indibidwal ang naitalang nasawi habang pumalo naman sa 83 ang naitalang aksidente sa kalsada sa gitna ng holiday season sa Vietnam.
Ayon sa National Traffic Safety Committee, tumaas ng 29.7% ang serye ng aksidente sa mga pangunahing kalsada habang tumaas naman ng 31.6% ang naitalang nasawi sa loob ng tatlong araw.
Inihayag naman ng traffic police officers na pumalo sa 21,872 ang bilang ng mga lumabag sa batas trapiko na may kabuuang multa na aabot sa 1.6 million US dollar.
Aabot naman sa 6,540 na mga sasakyan ang na-impound at 3,603 naman ang tinanggalan ng lisensya.
Ang naitalang mga bilang ay bunsod ng mga residenteng nagsi-uwian sa kani-kanilang hometown para doon magbakasyon at makasama ang kanilang mga pamilya sa nagdaang pasko at bagong taon partikular na ang mga nakatira sa Hanoi at Ho Chi Minh City.