Kalahati ng populasyon ng bansa dapat mabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang nais ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan, bago matapos ang taong 2021.
Ayon kay Pangilinan, para magbalik sa normal unti-unti ang pamumuhay ng mga Pilipino.
50% of Filipinos dapat nakapagbakuna na kontra COVID-19 bago matapos ang 2021,” ani Pangilinan
Dagdag pa ni Pangilinan, na dapat din suportahan ng publiko ang gagawing vaccination program ng gobyerno.
Kung walang suporta ang kababayan natin sa bakuna, mahirap bumallik sa normal ang bansa,” ani Pangilinan —sa panayam ng Teka Teka alas-4:30 na!
Sa huli ani Pangilinan, dapat magtulong-tulong tayo para malagpasan na natin ang hirap dulot ng COVID-19. —sa panulat ni John Jude Alabado