Limampung porsyento (50%) ng mga Filipino ang nagsabing napakasaya ng kanilang buhay pag-ibig, pinakamababamula ng maitala ang 49% noong 2014.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25 ng nakaraang taon pero kahapon lamang inilabas ang datos.
Ayon sa sws, 31% ng mga Filipino ang nagsabing “sana mas masaya pa” ang kanilang buhay pag-ibig habang labing isang porsyento naman ang nagsabing wala silang love life.
Samantala, sa kapareho ding survey lumabas nadalawa sa bawat limang filipino 39% ang nagsabing ipagdiriwang nila ang araw ng mga puso.
Tatlumpu’t isang porsyento (31%) naman ang undecided o hindi tiyak kung magdiriwanghabang 27% ang nagsabing hindi nila ise-celebrate ang Valentine’s Day.
Sa mga magdiriwang ng buwan ng pag-ibig, 45% ang nagsabing gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagdalo sa religious services.
Dalawampu’t pitong porsyento (27%) ang magbibigay ng regalo sa minamahal, 25% ang maghahanda ng espesiyal na pagkain sa bahay at 11% ang magpapadala ng pagbati sa pamamagitan ng text message.