Sumipa na sa 10,481 ang lahat ng mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ang Philippine National Police ng karagdagang 50 na bagong kaso ngayong linggo, Pebrero 7.
Tinatayang 564 sa mga ito ay aktibong kaso habang nanatili naman sa 29 ang bilang ng lahat ng nasawi dulot ng COVID-19.
Samantala, 135 naman ang bilang ng mga nakarekober ngayong araw dahilan upang sumampa sa 9,888 ang kabuuang bilang ng lahat ng gumaling na kapulisan.—sa panulat ni Agustina Nolasco