Naitala ang 50% ng recovery rate ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang ipinagmalaki ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa kung saan, dahil aniya ito sa mass testing at early detection.
Ayon kay Gamboa, ang kanilang mass testing at intensified contact tracing ang nagbibigay-daan sa maagang isolation at treatment ng mga COVID-19 cases sa kanilang hanay.
Batay sa ulat ni Health Service Dir. Police Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. na 176 personnel ang gumaling na sa sakit mula sa 346 na kumpirmadong kaso.