Nag-negatibo sa COVID-19 ang 50% ng kabuuang bilang ng patient under investigation (PUI).
Ayon kay DOH Spokesman Undersecretary Eric Domingo, 208 sa 408 ang nag-negatibo sa COVID-19.
Naka-admit naman aniya sa ospital ang nasa 238 iba pang minomonitor habang 165 na ang nakalabas ng ospital.
Samantala, nananatili sa tatlo ang positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.